Laman ng bank accounts ni Corona isapubliko

IMPORTANTENG malaman ng publiko kung magkano ang laman ng mga bank account lalo na ng dollar account na  pag-aari diumano ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na hindi mahalaga kung ilan ang bank accounts ni Corona kundi ang kailangang malaman ng taumbayan ay kung magkano ang halagang naka-deposito sa account nito.

“It doesn’t matter if there are four, three or 82 (accounts); what’s important is what’s in them, magkano ang amounts,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa nakalipas na pagdinig ng Senate impeachment court ay tinuran ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na mayroong 82 dollar accounts si Corona na may “transactional balance” na umaabot sa $10 milyon.

Kamakalawa, Mayo 18 ay inihayag ng kampo ni Corona na tatlo hanggang apat na accounts ang kailangan lamang na iugnay ni Morales sa punong mahistrado.

Tumanggi naman ang kampo ni Corona na  kumpirmahin o itinanggi kung totoong may dollar bank account si Corona.

Sinabi ni Valte na kung totoong may dollar accounts si Corona ay importanteng malaman ng lahat  kung magkano ang laman at kung naideklara ba ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Let’s not focus on the accounts, rather ano ang laman,” pahayag nito.

Kasabay nito, dumistansiya naman ang Malakanyang sa mga anti-Corona text message na kumalat simula noong Huwebes, Mayo 17 kasama na ang planong paglabas sa bansa ng asawa ni Corona.

“They should stop blaming us for what happened to them and start answering questions. That’s the problem, the senators are asking, the people are asking what’s in those accounts. We have better things to do and we don’t engage in black propaganda,” ayon kay Valte.

Nauna nang pinabulaanan ng kampo ni Corona na planong umalis ng bansa ng asawa ng Chief Justice.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply