Langit ang pakiramdam kapag natalo si Pacman – Bradley

TINANGGIHAN ni Timothy Bradley ang oportunidad na harapin si Amir Khan, pero naging mas maganda ang kanyang next challenge, makasasagupa niya si Manny Pacquiao para sa WBO World Welterweight Championship, ayon kay Bradley sa boxing blog Bad Left Hook.

“I am thrilled beyond compare that I am challenging Manny Pacquiao,” ayon kay Bradley. “I was at the right place at the right time.

“I am now in a place where I will be able to accomplish another one of my goals in life and that is to fight the best pound-for-pound fighter in the world. This is a huge challenge for me personally and professionally.”

Bagamat mahinahon na nagharap sina Bradley at Pacquiao sa presscon at panayam para sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Maynila) na laban, hindi niya mamaliitin ang kanyang kalaban.

“It feels great to get the fight with Manny Pacquiao,” ani Bradley. “It’s going to feel even better when I beat him. You can take that to the bank.”

Nagsilbing undercard si Bradley noong Nobyembre sa Pacquiao vs Juan Manuel Marquez fight kung saan niya dinepensahan ang kanyang WBO light welterweight title kontra Joel Casamayor sa bisa ng TKO.

Tinuligsa rin siya dahil sa pagtanggi na sagupain si WBA Light  Welterweight champion Amir Khan, na aktuwal na nagte-train kay Pacquiao sa Baguio.

Idaraos ang Pacquiao-Bradley bout sa MGM Grand Garden arena sa Las Vegas sa Hunyo 9 (Hunyo 10 sa Maynila).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply