Lani Mercado ‘di tatakbong senador; Bagong Lakas-CMD inilunsad

ITINANGGI ngayon ni Senador Ramon “Bong” Revilla na plantsado na ang pagtakbo ng kanyang misis na si Cavite Rep. Lani Mercado sa pagkasenador sa 2013.

Sa pagpupulong ngayon ng Bagong Lakas-CMD sa Diamond Hotel, Manila, sinabi ni Sen. Revilla na tanging si Zambales Rep. Mitos Magsaysay pa lamang ang kumpirmado sa Lakas na tatakbo sa pagkasenador.

Sa ngayon aniya ay magpo-focus muna si Lani sa pagkandidato sa pagkakongresista sa kanyang distrito.

Si Revilla na presidente ng partido ay nahalal ngayon bilang bagong chairman ng Lakas Council of Advisers bilang kapalit ni Albay Rep. Edcel Lagman.

Kabilang sa tinalakay sa pulong ang pagpapasa ng isang resolusyon na nagbibigay kay Revilla ng kapangyarihan upang pumili ng magiging miyembro ng konseho.

Ngunit tiniyak ni Revilla na buo ang suporta ng partido kay Magsaysay kahit magbitiw ito sa Lakas-CMD upang tumakbo sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay.

“Wala kaming agreement with UNA ayaw din naman nilang makipag-coalese, kung ayaw nila hindi rin kami susuporta sa kanila. We will support our local party-mates sa ilalim ng bagong Lakas,” sinabi ni Revilla sa isang panayam.

Ngunit nagpahayag si Magsaysay na hindi siya gagawa ng anumang hakbang nang walang konsultasyon sa kanyang mga kapartido at anuman aniya ang maging desisyon ng Lakas ay nakahanda siyang sumunod dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply