Lea Salonga target ng mga Intsik

MAGANDA ang ipinakitang pagsuporta ni Lea Salonga sa laban ng Pilipinas kontra Chinese encroachment on Philippine territory dahil mas nakapukaw ito sa pagnanasa ng lahing Pinoy na ipagtanggol ang bahagi ng ating lupain. Pero marami rin ang nagsasabing delikado ito para sa Pinay Broadway star dahil kilala siya sa buong mundo at maaring malagay sa alanganin ang kanyang buhay. Pikon kasi ang mga Chinese. Ang ilan sa kanila maliit ang tingin sa atin. Yung iba nga sa kanila kahit nandito sa lugar natin ay ang lalakas ng loob na angilan tayo, alilain at pagbuhatan ng kamay.

Paano kung sa isang show ni Lea ay bigla na lang siyang sabuyan ng asido? Dapat extra careful si Ms. Salonga. Huwag siyang basta magtitiwala sa ibang singkit na nakahaharap niya.

Anyway, nakabibilib din naman ang iba sa mga Chinese na naninirahan na rito sa atin dahil hayagan ang pagpapakita nila ng pagsuway sa ilusyon ng kanilang mga lider na sakupin ang Panatag Island o Scarborough Shoal na malapit lamang sa Zambales province.

Kaya nga mas lalong umuusok ang mga tumbong ng mga mayayabang nilang pinuno. Sa totoo lang, pag bumili ka ng mga produkto nila, kung di tanga ang tawag sa’yo, masyado kang matipid, dahil ang mga gawa nila puro sub-standard!

Going back to Ms. Lea, nung kasikatan niya, marami ang nayayabangan sa kanya. Sa media puro taga broadsheet at English writer lang ang kinakausap niya. ‘Yung mga showbiz reporters na aanga-anga sa lengguwahe ni Uncle Sam ay malamig ang pagtanggap  nya. Kasi naman di na yata siya marunong managalog noon.

Pero nakita natin sa kanya na dahan-dahan siyang nag-adjust pabalik sa rating Lea Salonga na simple at di mayabang. At nalaman pa natin ngayon na makabayan din pala siya.

***

Ang kapatid nga di iginagalang, ibang tao pa kaya?

Si Claudine Barretto ang nagbabaon sa kanyang asawang si Raymart Santiago sa negatibong impresyon ng publiko dahil sa kanyang kamalditahan. Tahimik lang naman ang aktor. Walang kaaway. Pero dahil sa kanyang walang habas na pagbubunganga ay nadamay tuloy ang mister nya.

Tama yung sinabi ni Ogie Diaz sa Showbiz Inside Report na di na pinagtatakhan ng tao ang katarayan ni Claudine. Bistado na siyang ganyan. Ultimo nga ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto ay di niya ginagalang, ibang tao pa kaya?

Kaya walang public sympathy na nakukuha ang mag-asawa partikular itong mataray na aktres dahil na rin sa kanyang masamang ugali.

Dinig namin, di raw talaga pinagsasalita si Claudine ng kanyang kampo dahil ang bawat buga ng kanyang bibig ay lalong nagpapahamak sa kanila dahil hindi naman pinaniniwalaan ang mga sinasabi nya.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan.

Mabalos!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply