Lee, Zalamea itinalaga ni PNoy bilang envoys sa China

MAKARAANG ilang beses na binalewala ng Commission on Appointments, muli namang itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino bilang special envoy kasama ang isa pa sa China si Domingo Lee.

Matatandaang matapos ma-bypass sa CA ng ilang beses ay kusa nang nagpahayag ng pag-atras si Lee bilang ambassador sa China.

Kanina, sa appointment paper na pirmado ng Pangulo na may petsang Mayo 10, kasama ni Lee na itinalaga bilang special envoy to China si Cesar Zalamea.

Ang dalawa ang pansamantalang pinili ng Pangulo bilang special envoys habang hindi pa nakakapili ng bagong ambassador sa gitna ng tensyon sa China.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply