Legal fees sa mga isinasampang kaso sa piskalya ipinatitigil

IPINAG-UTOS na ng Department of Justice (DOJ) ang paniningil ng legal fees sa mga kasong isinasampa sa prosecutor’s office.

Ang kautusan ay ginawa ni Justice Secretary Leila de Lima kasunod nang pagpapatupad ng Salary Standardization Law sa kanilang mga tauhan.

Sa ilalim ng batas, 100% ang itinaas ng basic salary ng mga prosecutor na isinasama na sa kanilang regular na sweldo.

Nabatid na tradisyon na sa legal fees kinukuha ang allowance ng mga miyembro ng national prosecution service at mga state counsel batay na rin sa isinasaad ng Republic Act (RA) 9279.

Sa Department Circular na inilabas ni De Lima, inatasan nito na ang lahat ng clerk at collection officer sa mga regional, provincial at city prosecutor office na ihinto na ang paniningil ng mga legal fee sa mga reklamong isinasampa sa piskalya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply