Lending company nilimas ng 3 kawatan

SINAMSAM ng tatlong armadong kalalakihan ang lahat ng gamit ng mga kawani, pati na ang lap top at salapi ng isang lending company makaraang pasukin ng mga ito ang naturang kompanya kahapon sa Pasay city.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Joel Landicho ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, abala sa kanilang pagtatrabaho ang mga kawani ng GN Mega Golden Lending Corporation na nasa ikatlong palapag ng Carmen Bldg sa Buendia Avenue na sina Emalyn Ribleza, accountant, Ronelio Maceda. Assistant secretary, Joevert Palma at Richie Arcadio, kapwa customer service nang biglang pumasok ang tatlong armadong kalalakihan dakong alas-3 ng hapon sa loob ng naturang tanggapan.

Nag-anunsiyo ng holdap ang tatlo at isa-isang sinamsam ang mga personal na gamit ng mga kawani, pati na ang lap top na pag-aari ng kompanya at ang P48,000 cash na nasa loob ng drawer ni Ribleza.

Matapos makuha ang mga gamit at salapi, ikinulong ng mga suspek sa loob ng comfort room ng tanggapan ang mga kawani at binantaan na huwag lalabas kung ayaw mamatay.

Nang matiyak na nakaalis na ang mga salarin, dito na nagpasyang lumabas ang mga kawani at humingi kaagad ng tulong sa mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply