Lider ng mga rebelde arestado sa Surigao

KASONG rebelyon ang kinakaharap ng nadakip na lider ng New People’s Army (NPA) sa Lianga, Surigao del Sur kanina.

Kinilala ang naaresto na si Teddy Domandan Bager, sinasabing lecturer ng Front Committee-19 B ng NPA na nag-o-operate sa nasabing bayan.

Narekober sa suspek ang isang granada, P10,000 cash, tatlong cellphone, memory card, limang charger at walong SIM packs.

Sinasabing si Bager ay kabilang sa mga nagtangkang mang-ambush sa isang opisyal ng Lianga Municipal Police Station nitong nakaraang buwan lamang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply