Lider ng Sputnik Gang binoga sa NBP, dedo

NAMATAY ang isang lider o mayor ng Sputnik Gang makaraang barilin sa ulo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City, kahapon ng hapon (Mayo 10).

Binawian ng buhay ang biktimang si Dionisio Amores dahil sa tama ng bala ng kalibre .22 magnum pistol sa ulo sa loob mismo ng building 8 sa maximun security compound.

Batay sa ulat naglalaro ng bilyar ang biktima at ang suspek na si Jayson Villaruel nang magkapikunan ang dalawa na humantong sa pamamaril dakong 4:20 ng hapon.

Umamin naman ang suspek sa ginawang pamamaril at nakuha sa pag-iingat nito ang baril na ginamit sa biktima.

Naging palaisipan din kung paano nakalusot sa maximum security compond ang baril samantalang ipinatutupad ang mahigpit na seguridad na naturang bilangguan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply