Life hatol sa 7 kidnapper ng Chinese

HABAMBUHAY na pagkakakulong ang hinatol sa pitong dumukot sa isang Chinese sa Quezon City noong 2003.

Base sa desisyong ibinaba ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 222 Judge Edgar Santos, pinatawan ng reclusion perpetua sina John Galicia, Carlito Ugat, Eliseo Villarino, Leopoldo Sariego, Roger Chiva, Napoleon Portugal at Roger Demetelia.

Samantala, sampu hanggang 17 taon at apat na buwang pagkakakulong naman ang ipinataw sa sinasabing accessory sa krimen na si Amelito Villones, drayber ng biktimang si Benilda Ho.

Pinagbabayad din ng korte ang mga akusado ng P200,000 moral damages at civil damages sa biktima.

Matatandaang Mayo 8, 2003 nang dukutin si Ho habang sakay ng Mitsubishi L300 van na minamaneho ni Villones sa Araneta Avenue, Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply