Lifestyle check ng gobyerno inutil

ANG ‘lifestyle check’ ay isang polisya ng pamahalaan laban umano sa mga tiwali na walang ginawa kundi dekwatin ang kaban ng bayan.

Ito’y pamamaraan para maparusahan ang mga korap na patuloy na nagsasamantala sa pera nina Mang Juan at Aling Maria.

Maganda at napapanahon sana ang ‘kautusan’ na ito para masugpo na ang katiwalian na naghahari sa maraming ahensya ng gobyerno. Ngunit ang kumakalat at umaalingawngaw na komento, ang ‘lifestyle check’ na pinaiiral ng pamahalaan ay walang silbi …inutilllll daw.

Bakit kanyo? Isang halimbawa ang ginawang ‘lifestyle check’ sa isang ‘kurakot’ na opisyal ng Bureau of Customs na tawagin na lamang nating ‘Mr. EA’.

Noong 2010, napatunayan ng ‘lifestyle check’ team ng  Department of Finance ang ginagawang katiwalian ng BOC official na ito.

Sa kabila ng kaliitan ng suweldo, si ‘Mr. EA’, ay napatunayang may-ari ng milyong cash sa bangko at ari-arian na nagkakahalaga ng milyones. Napatunayan din na si ‘Mr. EA’, kasama ang isa pang tiwaling kawani, ay nagpapalusot ng milyong halaga ng kumpis-kadong smuggled goods mula sa BOC.

Dahil sa paglabag niya sa ‘lifestyle check’, ang kawatang opisyal na ito ay ipinagharap ng kaso sa Office of the Ombudsman. Napatunayan ang mga katarantaduhan nito sa Aduana kaya ipinag-utos ng Ombudsman ang kanyang ‘dismissal’ sa serbisyo.

Pero ang nakapagtataka, itong si ‘Mr. EA’, ay nakabalik sa kanyang posisyon sa waterfront at ipinagpatuloy ang paghahasik ng lagim. Ang muling pagbabalik ng taong ito sa BOC ay patunay na walang silbi ang ipinagmamalaking ‘lifestyle check’ ng gobyerno.

Kaya kahit magpakamatay si Comm. Ruffy Biazon sa pagnanais na mabura ang korapsyon sa  BOC, walang mangyayari dahil ‘inutil’ ang polisiya na ito.

COLONEL ‘VK’ NG QC

Namamayagpag ang iligal na video-karera sa buong Novaliches sa Quezon City at ang nasa likod umano ng operasyon ay isang ‘Col. Menoza’. Isang Sgt. Jing Asenas at Randy ang mga bata ni colonel na nagmamantine sa operasyon ng ‘di kukulangin sa 100 unit ng  vk machine.

C/Supt. Mario de Vega…sir, ano na ang nangyayari sa  QCPD?

Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply