Limang solon kumagat sa hamon ni CJ Corona

LIMA sa 188 na kongresistang lumagda sa walong article of impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona ang kumagat sa hamon ng punong mahistrado na lumagda sa isang waiver upang maipabulatlat ang kanilang peso at dollar accounts.

Kabilang sa mga handang lumagda sa waiver ay sina Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Laguna Rep. Arago, Pangasinan Rep. Kimi Cojuangco, Antonio Tinio ng ACT Partylist Rep. samantalang lumagda na si KALINGA Rep. Abigail Ferriol.

Sinabi ng mga kongresista na handa silang ibulatlat sa publiko ang lahat ng kanilang mga ari-arian para patunayang wala silang itinatago.

Nais daw nilang patunayan ang kanilang pagiging transparent at pagiging tapat sa publiko kahit wala pang inilatag na kondisyon si Corona.

Nilinaw naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales na ang pagtanggi nilang pumirma sa waiver ay hindi nangangahulugan na may itinatago sila sa publiko dahil ang tunay na pakay ni Corona ay iligaw lang ang taumbayan.

Si Corona aniya ang nahaharap sa kaso kaya tama lang na ito ang magpaliwanag sa publiko.

Samantala si Iloilo Rep. at lead prosecutor Niel Tupas ay tahasan ng nagsabi sa impeachment court na hindi siya kakagat sa hamon ni Corona dahil hindi naman siya ang nasasakdal dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply