‘Linis ilog’ program

KAHAPON ay nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of  Environment and Natural Resources at Metro Manila Development Authority kay Malabon City Acting Mayor Lenlen Oreta lll.

Ang tema ng kanilang talakayan ay ang ‘Linis Ilog’ prog-ram ng pamahalaan.

Bakit Malabon ang puntirya ng paglilinis?

Ito’y dahil ang lungsod na ito ay isa sa ilang siyudad na dinaraanan o dinadaluyan ng Tullahan River.

Ang nasabing ilog ay isa sa ilang daluyan ng tubig na maituturing na ‘marumi’ dahil punong-puno ito ng basura mula sa duming itinatapon ng mga ‘walang disiplina at ‘di marunong magmalasakit’ na mga residente.

Ang planong paglilinis ng Tullahan river ay ‘welcome development’ para sa Malabon City dahil isa sa prayoridad ni ACM Oreta ay ang ‘kalinisan’ na sinimulan nang isakatuparan sa lungsod, ayon kay Mark Me sina, hepe ng City Environment and Sanitary Office.

Patunay  na  masidhi  ang hangarin ni ACM Oreta na makamit ang pinapangarap na kalinisan ay hinikayat ang Sangguniang Panlungsod na ipasa ang ‘Anti-Littering Ordinance’ kwento ni Mesina sa Chokepoint.

Ang ordinansa na ito ang magiging gabay ng lungsod para maabot ang pinapangarap na ‘malinis at maunlad na Malabon’, ayon pa kay Mesina.

P50K WEEKLY KAY ‘MARJORIE’

Sikreto palang nagpulong ang ilang gambling lord noong May 21 sa Max restaurant sa 10th Avenue sa lungsod ng Caloocan.

At ang ka-meeting nila ay ang isang nagngangalang ‘Alma Masangkay’ na nagpakilala umanong ‘sugo’ ng isang mataas na opisyal ng Caloocan City Hall.

At ang pinag-usapan ay ang pagbubukas ng operasyon ng video karera sa buong lungsod na pangungunahan ng isang ‘Sacho.’

Plinantsa kung paano ang takbo ng intelihensya (lagay o protection money) sa mga dapat lagyan sa City Hall at kapulisan.

Nagulat daw ang mga dumating na VK operator nang igiit ni Alma Masangkay ang pagbibigay ng P50,000 weekly tong-pats sa kinilala niyang ‘Marjorie’.

Kung sino si ‘Marjorie’, yan ang ating aalamin at isusunod nating ikukuwento.

Abangan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply