Listahan ng Liberal Party isasapinal na

HINDI pa pinal ang inilabas na listahan ng Liberal Party para sa mga kandidato sa pagka-senador sa 2013 elections.

Ito ay kahit lantaran nang inendorso ni Pangulong Aquino sa mga pagtitipon sina Aurora Rep. Sonny Angara at TESDA Director-General Joel Villanueva.

Sinabi ni Liberal Party Spokesman at House Deputy Speaker Erin Tañada na tuloy pa rin ang selection process para sa kanilang magiging pambato sa naturang posisyon.

Isasapinal ang listahan sa national executive council meeting na isasagawa sa huli o unang linggo ng Hunyo bago ang State-of-the-Nation Address (SONA) ng pangulo.

Dadalo aniya sa naturang pulong ang party leaders sa iba’t ibang rehiyon, mga kongresista, senador at gobernador na miyembro ng partido.

Samantala, inanunsyo naman ni Tañada ang panunumpa at paglipat ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez sa Liberal Party mula sa dating partido na Nationalist People’s Coalition.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply