Lola kinatay, ibinaon saka sinunog ang bahay

KAWALAN ng puso ang konsensiya ang ginawa ng isang lalaki sa 84-anyos na lola na matapos niyang patayin at ibaon ay sinunugan pa ng bahay sa Camarines NOrte, sa ulat ng pulisya.

Hinalang nasa impluwensya ng ilegal na droga ang suspek na si Romel Egay, 29, ng Barangay Dalas, Labo nang katayin ang biktima na si Cleofe Manubay.

Paniwala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa krimen ng suspek makaraang talian muna ng wire ang lola bago naghalughog sa bahay ng biktima.

Sa hindi pa malamang dahilan ay pinatay pa sa pamamagitan ng pananaksak ang biktima bago ibinaon sa lupa at sinunog ang bahay nito.

Agad namang naaresto ang suspek na inako naman ang nagawang krimen.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply