Lola nakuhaan ng P20K na marijuana

NAKUHAAN ng tinatayang  P20,000 halaga ng marijuana  ang isang lola sa isinagawang buy bust operation ng Dagupan Philippine National Police (PNP).

Nakilala ang lola na si  Arceli Mejia, 71, hiwalay sa asawa at residente ng Sitio Aling Arellano Street sa siyudad.

Unang nakuhaan si Arceli ng  10 heat sealed sachet na pinatuyong marijuana na ginamit sa operasyon ngunit matapos maaresto ito ay nakakumpiska pa ang awtoridad ng  20 heat sealed sachet ng marijuana at 1/4 brick ng marijuana leaves.

Nabatid na ang naturang ginang ay nagtutulak pa rin ng iligal na droga sa kabila ng edad nito.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso ang lola.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply