Lola pinatay, itinapon sa kawayanan

GUIMBA, Nueva Ecija – Nagulantang ang 14-anyos na dalagita at dalawa niyang kasama nang tumambad sa kanila ang bangkay ng matandang babae habang sila ay nangunguha ng kawayan sa hindi mataong bahagi ng Purok 4, Brgy. Maturanoc kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, alas-11:30 ng umaga, patungo sa kakahuyan si Joan Sarmiento at dalawa pang kasamang lalaki nang kanilang mapansin ang nakahigang babae roon. Sa ‘di kalayuan ay nakita naman nila ang isang lalaki na tumatakbo palayo na pinaniniwalaan nilang siyang nag-iwan sa bangkay. Inilarawan ng tatlo ang suspek na lalaki na nakasuot ng brown T-shirt.

Dahil dito, agad na humingi ng saklolo sina Mateo at nalaman na ang pangalan ng napatay na babae ay si Sofia Rebultan Ragasa, 78-anyos, isang biyuda ng nasabi ring barangay.

Ayon sa pulisya, may tama ng taga ang matanda sa leeg at balikat. Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply