Lola todas sa motorsiklo sa Maynila

BINAWIAN ng buhay sa pagamutan ang isang cook ng Manila Police District-Public Information Office matapos mabangga ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa United Nations Avenue sa Ermita, Manila kahapon ng umaga.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang bawian ng buhay ang biktimang si Linda Tortoso Roza, nasa 55 hanggang 57-anyos, stay-in sa MPD-Headquarters matapos mabundol ng drayber na si Agapito Malicante Pacana Jr., ng 393 Wildcat Village, Pasig City.

Sa ulat na isinumite ni SPO1 Alberto Saygo Jr. kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong alas-8:00 ng umaga tumawid si aling Linda sa kabilang kalsada sa harapan ng MPD-Headquarters para mamili ng ulam sa Paco Market.

Ngunit biglang sumulpot ang Honda XRM (5616-TQ) na minameneho ni Pacana at nabundol ang matanda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply