Lolo naaagnas na nang matagpuan sa Kyusi

NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang 67-anyos na lalaki sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay sa Quezon City kahapon ng hapon (Mayo 3).

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang nakilalang si Nestor Fernandez, matandang binata at taga-Del Monet Ave.malapit sa Araw St.Brgy. QC.nang umalingasaw ito.

Ayon kay SPO1 Fernando Lozadan, Quezon City Police District, Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong 5:00 ng hapon kahapon ng madiskubre ng pamangkin ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Mayo 1, 2012 dakong alas-4:00 ng hapon habang kumakain ito sa naturang tahanan.

Wala namang malinaw na impormasyon kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng biktima ngunit patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng kamatayan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply