Lolo pinugutan dahil sa P400 na utang sa uling

NAHUKAY ng awtoridad ang pugot na ulo ng isang lolo at isa pa niyang kasama matapos may magbigay ng impormasyon hinggil sa krimen na naganap sa Rodriguez, Rizal.

Matapos ituro ng hindi nagpakilalang tipster kung saan nakalibing ang mga bangkay ng biktima ay agad na nagtungo sa magubat na lugar sa Bgy. Wawa ang mga pulis.

Dito ay nahukay ang pugot na ulo ni Ernie Antonio, 73, katabi ang bangkay ni Benjie Reyes, 34.

Nakuha rin sa lugar ang gulok na ginamit sa krimen.

Agad namang nahuli ang mga suspek na sina Ryan Retolado at kanyang kapatid na menor-de-edad.

Sa presinto, sinabi ni Retolado na nagawa niyang patayin ang mga biktima dahil sa hindi binayarang utang sa kanya na umaabot sa P400.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply