Lolong bulag sugatan sa tarak ng boarder

NASUGATAN sa braso ang isang lolo matapos saksakin ng kanyang matandang boarder sa Quezon City kagabi (Mayo 11).

Bagama’t halos bulag na at may tama pa ng saksak sa kanang braso, napatakbo pa rin ng biktimang si Antonio Kapangyarihan, 82-anyos ang suspek na si Rolly Honorio nang gamitan niya ito ng kanyang nalalamang self defense noong panahon ng World War II.

“Kahit halos bulag na ako, nararamdaman ko ang aking kaaway kahit hindi ko nakikita kaya nang maaamoy ko siya, hinataw ko si Rolly (suspek) ng hawak kong kahoy, iyan ang natutunan ko sa aming pagsasanay noong panahon ng Hapon” pahayag ni Antonio.

Itinatanggi naman ni Honorio na siya ang sumaksak sa kanang braso ni Kapangyarihan at sinabing hindi niya papatulan ang bulag at matanda na tulad ng kanyang kasera.

Pero sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District operatives sa bahay ng biktima, natagpuan nila doon ang kanang kabiyak ng tsinelas ni Honorio na sa pagmamadali ay naiwan nito sa loob ng bahay.

Nag-igting ang pag-aaway ng dalawang matanda nang kuwestiyunin ni Honorio ang napakataas na water bill ni Kapangyarihan.

Gagamitin naman ng pulisya ang naiwang kapares na tsinelas laban kay Honorio para madiin itong lalo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply