Lopez tulog kay Cuello

TINUPAD ni WBC Silver Strawweight Champion Denver Cuello-Singwangcha ang pangako matapos patulugin sa ikalawang round si Mexican boxer Ganigan Lopez sa harap ng kanyang mga kababayan.

Dahil sa panalo, magkakaroon na ng karapatan si Cuello na pormal na hamunin si WBC regular champion Kazuto Ioka ng Japan.

Si Ioka ay matagal nang umiiwas sa Pinoy knockout artist at katunayan ay sinulatan na ito ni Cuello noon pa para harapin siya ngunit hindi ito kumasa.

Ayon sa kampo ni Cuello, wala nang maidadahilan pa si Ioka na iwasan siya.

Sa unang round pa lamang ay pinatumba na ni Cuello si Lopez at pagsapit ng ikalawang round ay binomba na ito nang todo ng Pinoy ring icon.

Dahil sa matinding kumbinasyon ay hindi nakaporma ang Mexican boxer kaya inawat na ng reperi ang bakbakan.

Mula sa Mehiko ay nagpasalamat din si Cuello sa kanyang mga kababayan na walang sawang nananalangin para sa kanyang tagumpay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply