Lovelife ni Richard, taboo!

SA PINOY Adventure ni Richard Gutierrez, matagal na raw niyang gustong magkaroon ng ganitong programa na lagi siyang natsa-challenge. Kumbaga, ibang-iba ito sa Survivor Philippines. Host siya at hindi gumagawa ng mga ad- venture.

Si Richard ay ginagawa ang hindi pa niya nagagawa sa Pinoy Adventure tulad nang pagsisid sa ilalim ng dagat na kailangan pa n’yang mag-training muna properly para maiwasan ang anumang aberya. Gusto rin niyang umakyat sa matataas ng bundok sa Pilipinas tulad nang Mt. Pulag at Mt. Apo, pero bago muna mangyari ito ay sa mas mababang bundok muna siya pupunta para sa preparasyon sa mas mahihirap na mountain climbing episodes niya.

Sa mga susunod na buwan ay hectic ang schedule niya dahil sabay na ipalalabas ang kanyang soap na kasama sina Carla Abellana at Sarah Lahbati. Gayundin, magti-taping rin siya ng Pinoy Adventure.

Ang gagawin ni Richard ay one week na taping sa soap then one week sa Pinoy Adventure.

Pero bakit kaya naman kapag love life ang pinag-uusapan ay tahimik siya? Next question daw. Totoo bang zero ang kanyang lovelife? (Hindi ah! Ayaw lang niyang pag-usapan! – Ed)

000

IPINAGDIINAN ng TV5 management na unscpripted, sponteneous at hindi nagri-reflect ang mga sinabi ng tatlong magkakapatid na Tulfo sa kanilang programa hinggil sa issue na naganap sa airport kung saan nabugbog si Ramon Tulfo ng kampo ni Raymart Santiago.

Ayon sa TV5 management, wala silang kinalaman sa anumang sinabi ng tatlong magkapapatid sa programang T3 sa TV5 program nila.

000

MALALAKING artista ng TV5 ang dumating sa finals ng Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo last Sunday night kung saan ang nagwagi ng grand prize ay si Astroboy, ang lalaking magaling maghoola-hoop. Unusual na nagawa ng isang Pinoy na puwedeng dalhin sa abroad.

Dumating bilang panauhin sina Sharon Cuneta, Nora Aunor at Arnell Pineda. Kumanta sina Sharon at Arnell. Si Sharon ay nag-promote rin ng kanyang bagong talk show sa TV5 na nagsimula kahapon, May 14.

Samantalang si Nora Aunor ay nag-promote rin kanyang bagong indie film na “Thy Womb.” Si Guy rin ang katulong ni Ryan na nag-announce ng winner ng Talentadong Pinoy na nag-uwi ng P1 million cash, kotse at scholarship.

Sa rami ng taong pumunta sa affair, no. 1 talent show talaga sa bansa ang nasabing programa kaya naman nag-number ito sa rating’s game last Saturday night.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply