LPA magiging bagyo sa loob ng 24-48 oras, tatawaging ‘Ambo’

POSIBLENG maging isang ganap na bagyo ang isang aktibong low-pressure area (LPA) sa silangan bahagi ng Visayas area sa loob ng 24 hanggang 48 oras, ayon sa ulat kaninang tanghali (Mayo 31) ng state weather forecasters.

Sinabi rin ng The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang aktibong LPA ay patuloy na kumikilos malapit sa Eastern Visayas.

Sa kanilang 11:00 am advisory, sinabi ng PAGASA na ang LPA ay tinatayang nasa layong 330 km silangan ng Borongan, Eastern Samar ng dakong 8:00 gn umaga na nakapaloob sa Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ).

“It is expected to develop into a tropical cyclone within the next 24 to 48 hours,” pahayag ng PAGASA.

Kapag ang naturang LPA ay maging isang ganap na bagyo o cyclone, tatawagin itong “Ambo,” ang unang bagyo sa Pilipinas para sa taong 2012.

Binalaan naman agad ng PAGASA ang mga residente sa Visayas at Northeast Mindanao ng posibleng pagragsa ng baha at pagguho ng lupa sanhi ng pag-ulan na dala ng nasabing sama ng panahon.

Maghahatid ng maulap na panahon na may malakawang pag-ulan ang LPA at ITCZ sa Visayas and Northeastern Mindanao.

Sinabi naman ni PAGASA forecaster Cris Perez na ang rainy season ay magsisimula ngayong linggo at sa unang linggo ng Hunyo.

Samantala, nakaalerto ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga istasyon at detachment nito sa Eastern Samar at mga karatig lugar.

Pinayuhan ng PCG ang lahat ng mangingisda na nais maglayag sa mga karagatan na maapektuhan ng LPA na iwasan munang pumalaot lalo na ang maliliit na bangka.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply