Lugi sa Laguna fishkill pumalo sa P2M

TINATAYANG umabot na sa P2 milyon ang nalugi dahil sa pagkamatay ng tone-toneladang isda sa Laguna Lake.

Itinuturong pangunahing dahilan ng naturang fishkill ay ang biglaang pagbabago ng panahon na dala ng pag-ulan at muling pag-init ng temperatura na nakaaapekto sa tubig at nawawalan ng dissolved oxygen ang mga isda.

Kinokonsidera rin na nakakaapekto ay ang mga pabrika sa paligid ng Laguna de Bay na nagtatapon ng kanilang mga basura sa lawa.

Samantala, siniguro naman ng pamahalaan na hindi makararating ang mga double dead na isda sa mga palengke sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply