Luis nag-ober da bakod sa GMA7

DAHIL pinagbigyan siya ng kanyang syotang si Jennylyn Mercado noon nang mag-guest ito sa kanyang game show na “Deal or No Deal” bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, nag-over da bakod naman si Luis Manzano sa GMA7 bilang special guest sa kaarawan ni Jennylyn. Tuwang-tuwa raw si Luis habang nakikipag-tsikahan sa Studio 6 ng Kapuso. Kailan lang ay kagagaling lang din ni Angel Locsin sa Studio 7 ng Channel 7.

***

Dahil napahiya sa BF, Toni nag-aral ng magluto

NAPAHIYA nang todo si Toni Gonzaga nung minsan lutuan daw nito ng isang putahe ang kanyang boyfriend na si Paul Soriano. Aba’y hindi raw kayang ipinta ng kahit pinakamagaling na pintor sa buong mundo ang mukha ni direk nang matikman ang inihanda para sa kanya ng kanyang syota. Dahil dito, na-challenge raw si Toni kaya kumuha ng cooking lesson. Hahaha!

Hindi naman itinanggi ng magaling na host na hindi siya marunong magluto. Talbog pa nga raw siya ni Alex sa pagluluto ng lafang.

***

Piolo ginagamit

KASABAY ng excitement ng fans ni Piolo Pascual sa nalalapit na pagpapalabas ng Star Cinema film niyang “Every Breath U Take” sa Mayo 16, puno na rin ng pananabik ang loyal viewers ng top-rating teleserye ng ABS-CBN na “Dahil sa Pag-ibig” sa pagkalantad ng katotohanan kaugnay ng tunay na relasyon nina Fr. Alfred (Piolo) at Oliver (Jericho Rosales).

Ano ang gagawin ni Alfred sa sandaling malaman niyang ginagamit lamang siya ng kinikilala niyang amang si Leo Valderrama (Christopher de Leon) upang pataubin ang mga kalaban sa pulitika? Anong idudulot na gulo ni Oliver sa buhay at pamilya ng mga Valderrama? Huwag palampasin ang “Dahil sa Pag-ibig,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Walang Hanggan” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

***

Rico J. naninilaw pero nagpo-promote ng gamot para sa liver

TOTOO pala yung sinasabing naninilaw ang kulay ng picture ni Rico J. Puno sa billboard ng pino-promote nitong gamot para sa sakit sa atay. Nakita namin ang isa sa billboards niya nang matrapik kami sa bandang Kamuning. Hindi lang ang mata kundi ang buong mukha hanggang leeg at kamay ay yellowish.

Nakatatawa. Gamot laban sa sakit sa liver ang ibinibida, naninilaw ang endorser?

Sa lay-out lang ba ito o talagang may sakit na sa atay si Rico dahil sa walang habas nitong pag-inom ng alak? Maging sa ibang karatula nito ay dilaw din daw ang kulay ng balatsina ng namamaos ng singer.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply