Lupa ng H. Luisita ipamamahagi sa loob ng 6-12 buwan

INANUNSYO kaninang umaga ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamamahagi na nila ang lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa loob ng anim hanggang 12 buwan.

Ang Hacienda Luisita ay isang malawak na plantasyon ng tubo sa lalawigan ng Tarlac na pagmamay-ari ng pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III at kabilang sa nasasakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ayon kay DAR Secretary Virgilio delos Reyes, makatotohanan ang panahong itinakda nila para makumpleto ang pagtukoy sa mga lehitimong benepisaryo at ang mismong pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

“Estimate namin ay six to 12 months lang kasi nga kakaunti lang ang mag-question at sinisigurado namin na lahat ng tao ay kinakausap namin para maliwanag,” paliwanag ni Delos Reyes sa isang pulong-balitaan na ginanap sa pambansang tanggapan ng DAR sa Lungsod ng Quezon.

Sa nasabing pulong-balitaan, iprinisinta ng kalihim ang time line, kabilang na ang mga prosesong pagdadaanan ng DAR para maipamahagi ang mahigit sa 4,000 ektaryang Hacienda Luisita.

Ngunit, sa kasalukuyan umano, “nakagapos pa ang kanyang kamay” at hindi pa masimulan ang pagproseso ng pamamahagi ng lupa sapagkat kailangan pa nilang makatanggap ng opisyal na kopya ng desisyon ng Korte Suprema na inisyu noong Abril 17 kung saan kinatigan ang may 6,000 magsasakang humihiling na maibigay na sa mga benepisaryo ng CARP ang Hacienda Luisita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply