Madadayang timbangan kinumpiska sa QC

TINATAYANG 30 madadayang mga timbangan ang kinumpiska matapos salakayin ng mga tauhan ng Quezon City Hall Treasury Office ang isang palengke sa Pinatubo St., Cubao, Quezon City kaninang umaga.

Sinalakay ng Task Force ang Arayat market kung saan nakumpiska nila ang may 30 timbangan na kinabibilangan ng mga digital at analog weighing scales na pawang mga depektibo.

Bahagyang nagkatensiyon nang pumalag ang ilang tindera sa naturang palengke dahil maayos naman anila ang kilo ng kanilang timbangan.

Ipinaliwanag naman ng mga taga-City hall na sira na ang mga selyo at wala na sa tama ang timbang ng mga kinumpiskang weighing scale.

Ang hakbang ay tugon ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga reklamo ng mamimili laban sa pandaraya ng mga mapagsamantalang negosyante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply