Mag-ama hinostage ng most wanted criminal

ISANG mag-ama ang hinostage ng most wanted criminal na tinutugis ng mga pulis sa Ramos Compound, Brgy. Rosario, Pasig City kaninang madaling-araw.

Nabatid na tumakbo ang most wanted criminal sa Pasig na kinilalang si Jeffrey Payo at pumasok sa bahay ni Ric Cruz na kasalukuyang natutulog ng mga oras na iyon.

Dito na hinostage ng suspek ang pamilya Cruz kasama ang 17-anyos na anak, habang nakatakas naman ang ina ng tahanan na si Vivian na siyang nagpasaklolo sa pulisya.

Hinostage ng suspek ang mag-ama para maiparating sa awtoridad na nais niyang may makausap na taga-media o mga artista.

Bukod dito, humingi rin ng battery ng cellphone at tubig ang suspek at nakiusap sa mga nagkokober na taga-media na huwag siyang iiwan.

Bandang alas-5:00 ng madaling-araw kanina nang matapos ang halos tatlong oras na negosasyon na nagsimula ng alas-2:00 ng madaling-araw matapos mapayapang napasuko  ni Pasig City Councilor Rodrigo Asilo si Payo na hindi naman sinaktan ang mag-amang hinostage.

Si Payo ay may limang outstanding warrant of arrest  sa mga kasong panghoholdap at sinasabing miyembro ng kilabot na grupo ng mga holdaper sa Pasig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply