Mag-anak niratrat ng holdaper sa highway

ISABELA-Binalot ng sindak ang isang mag-anak nang harangin sila ng hinihinalang holdaper at pinaputukan habang binabagtas nila ang pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Naganacan, bayan ng Ilagan.

Laking pasalamat naman ng mag-asawang sina Bienvenido at Gina Gaffud na hindi sila nasaktan sa pangyayari maging ang kanilang anak na si Jefferson Gaffud.

Ang mag-anak na Gaffud na residente ng Sta. Ana, Ilagan ay patungo sana sa bayan lulan ng motorsiklo bandang alas-11:00 ng umaga kamakalawa nang harangin sila ng apat katao na armado ng mga baril.

Hindi naman nasiraan ng loob si Bienvenido kaya nang makita na armado ang mga lalaki ay pinaharurot niya ang tricycle. Dala ng matinding takot, nawalan ng kontrol si manibela si Bienvenido kaya sumadsad sila sa kanal at doon na nagsipagtago. Nilubayan naman sila ng mga armado nang magdatingan ang mga taong nag-usyoso na nakarinig sa putukan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply