Mag-asawa dakip sa droga sa Camarines Sur

NAHAHARAP sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga ang isang mag-asawa kasama ang isa pa matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad sa Naga, Camarines Sur.

Kinilala ang mag-asawang sina Suzette at Josel San Buenaventura, magkasamang nakikipagtransaksyon sa asset ng PDEA at isang Nasroden Pananggi, alyas Papao, sinasabing big time pusher sa lugar.

Nabatid na nagkasundo ang suspek at asset ng PDEA na magtransaksyon sa ilegal na droga  kaya nang magpositibo ang tatlo sa pagbebenta ng shabu ay agad silang dinampot ng PDEA operatives.

Narekober sa tatlo ang isang sachet ng shabu.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply