Mag-asawa niratrat ng sundalo, patay; 2 pa kritikal

TEPOK ang mag-asawa habang dalawa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ang loob ng kanilang bahay ng isang miyembro ng Philippine Army sa Palmera Homes Subdivision sa San Jose del Monte, Bulacan kagabi, Mayo 22.

Bandang alas-11:00 kagabi nang pagbabarilin umano ni Private First Class Maximo Pasking ang mga biktima matapos magtalo sa sinisingil na kabayaran sa ibinentang baril.

Namatay ang mag-asawang sina Vicente at Morena Sinugbuan sa San Lorenzo Hospital sa Lagro, Quezon City habang nilalapatan ng lunas habang kritikal naman ang mga kasama nila sa bahay na sina Melody Para, 67;  Jennifer Guralyo, 16 sa East Avenue Medical Center.

Kasalukuyang hinahanting na ang suspek na sinasabing nakatalaga sa Basilan.

Sinasabing wala sa bahay ang binentahan ng sundalo ng baril at umuwi ng probinsya kaya nauwi sa pagtatalo ang singilan hanggang mamaril ang suspek gamit ang kalibre .45.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply