Mag-asawa utas sa generator

KAPWA wala nang buhay ang isang mag-asawa nang madiskubre sa kanilang tinutuluyan dahil sa hinihinalang suffocation na ina-bot sa ikinulong na generator sa Tondo, Manila, iniulat kanina.

Kinilala ang mag-asawa na sina Cirilo Basa, 66 at Conchita, 62-anyos, na natagpuang patay sa kanilang bahay sa 978 Wagas St., Tondo, Manila.

Batay sa naantalang ulat ni Det. Francisco Mendoza na isinumite kay Sr. Insp. Joselito de Ocampo, dakong alas-6:00 ng umaga nitong Linggo nang matagpuan ang walang buhay na mag-asawa sa kanilang silid.

Diumano, ang caretaker na kasama ng mag-asawa sa bahay na si Erwin Villafuerte, 20, ang nagsabing ikabit ng mga biktima ang generator upang magkaroon sila ng ilaw dahil walang kuryente sa natu-rang lugar dulot ng sunog kamakailan.

Gabi ng Sabado nang paandarin ni Vilafuerte ang generator at inilagay umano ito sa loob ng bahay. Lingid sa kanila, masama sa katawan ang ibi-nubugang gas ng generator kaya nang matulog ang mag-asawa ay hindi na nagising ang mga ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply