Mag-asawang tulak, laglag sa parak

LAGLAG sa mga parak at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mag-asawang tulak at isa pang itinuturing na bigtime drug dealer sa lungsod ng Naga kasunod ng isang buy bust operation.

Base sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. nahuli sa entrapment operation ang mag-asawang sina Suzette at Josel San Buenaventura kasama ang isang Nasroden Pananggi alyas Papao.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlo na magkakasamang nakipagtransaksyon sa lungsod ng Naga.

Bago ganap na madakip ang tatlo ay nagkaroon pa ng maikling habulan sa pagitan ng mga alagad ng batas ng biglang pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng matunugan na papalapit na ang mga pulis para sila masakote.

Nagkahabulan ang mga awtoridad at ang mga suspek subalit pagsapit sa sa Barangay Dayangdang ay nakorner na ang mga ito.

Nabatid na si Papao ay kilala sa area na isa sa mga bigtime na tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Narekober sa kanila ang isang medium size sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply