Mag-iingay sa pagtestigo ni Corona binalaan

IBINABALA ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na hindi patatawarin ng Senado ang sinumang mag-iingay o gagawa ng anumang bagay na makakasagabal sa pagtestigo ni Chief Justice Renato Corona sa Martes, May 22, 2012.

Sa pahayag matapos ang all-senator’s caucus sa Senado, sinabi ni Sotto na mahigpit na ipatutupad din ni Senate President Juan Ponce Enrile ang 2-minute rule sa pagtatanong kay Corona at sinuman na tatayong testigo sa Martes.

“The Senate President (Enrile) exhorted us to (strictly) follow the rules of the Senate and to avoid statements that would evolve into a controversy,” ayon kay Sotto.

Idinagdag pa ni Sotto na binabalaan din ni Enrile ang sinumang audience sa paggawa ng anumang bagay na makakasagabal sa testimonya ni Corona.

“Any rowdy, jeering, or untoward behaviour would not be tolerated and by order of the Senate president they would be removed (from the gallery),” ayon kay Sotto.

“As far as possible gusto na nating matapos ang lahat (trial),” dagdag ni Sotto saka sinabing pumayag din ang lahat ng senador na magsagawa ng pagdinig hanggang alas diyes ng gabi.

Nauna nang pumayag si Corona na tumestigo sa Martes upang linawin ang lahat ng akusasyon sa kanya kabilang ang nakatagong ill-gotten wealth na nagkakahalagang $10 milyon sa limang bangko.

Ibinulgar ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na aabot sa $12 milyon ang nakadepositong dolyar ni Corona sa limang bangko gamit ang intelligence report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) noong nakaraang linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply