Mag-ina natagpuang patay sa Caloocan

NATAGPUANG tatad ng saksak at naliligo sa sariling dugo ang isang ginang at anak nitong babae sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Tessa Jaena, 51 at Faith, 15, kapwa ng Taurus St., Palmera Spring 2, Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, nadatnan ng isa pang anak ni Tessa na si Timothy, 20, call center agent, ang mga biktima na wala nang buhay at may mga saksak sa katawan na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na nawawala ang hindi pa batid na halaga ng pera, laptop at cellphone ng mga biktima at nagkalat din ang mga laman ng drawer sa loob ng bahay na implikasyon na pinagnakawan ang mga biktima.

Sa ngayon, inaalam pa kung hinalay ang dalagita bago pinatay dahil wala umanong pang-ibabang saplot ito nang makita.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply