Mag-ina niratrat, bata natigbak

PATAY ang pitong taong gulang na batang lalaki habang nananatiling kritikal ang kanyang ina matapos paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang kanilang tahanan sa
Masbate.

Sa report ay kinilala ang biktima na si Jonel Monleon Escala, habang sugatan ang ina nitong  si Mary Joy Escala, 36.

Pinalad namang hindi nahagip ng mga bala ang lolo ng bata na si Perfecto Escala, 66.

Nabatid sa pagsisiyasat na alas-9:30 kagabi ay bigla na lamang pinaulanan ng bala ang tahanan ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Curbada sa Cataingan, Masbate.

Palaisipan pa sa mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply