Magandang review kay Jessica; Standing ovation kay Phillip

MAGANDA ang naging komento at review kay Filipino-American-Mexican Jessica Sanchez sa pangkalahatang performance niya sa tatlong sa round ng American Idol Season 11 final showdown ngayong Martes ng umaga (Martes ng gabi sa Amerika)

Nakakuha naman ng standing ovation sa ikatlong round ang crowd favorite na si Phillip Phillips para sa kantang “Home.”

Nagpasiklaban sa kani-kanilang performance sina Jessica at Phillip para masungkit ang titulong Idol season 11 at mapahanay sa mga Idol champions na kinabibilangan nila: Kelly Clarkson (season 1); Ruben Studdard (season 2); Fantasia Barrino (season 3); Carrie Underwood (season 4); Taylor Hicks (season 5); Jordin Sparks (season 6); David Cook (season 7); Kris Allen (season 8); Lee DeWyze (season 9) at Scotty McCreery (season 10).

Umabot sa 7,000 idol fanatics ang nanood ng live sa Nokia Theatre sa Los Angeles, California para tunghayan ang showdown ng dalawang finalist.

Habang milyon-milyon naman ang tumutok sa kani-kailang tahanan gn nasabing show.

PRODUCER’S CHOICE ROUND

Bumirit at ipinakita ni Jessica Sanchez na kaya niyang birahin ang mga high notes ng awitin niya “I Have Nothing” ni Whitney Houston.

Ito ang napili para sa kanya ng producer ng American Idol na si Simon Fuller.

Inawit naman ni Phillip sa round na ito ang “Stand By Me.”

Nahirapan namang magdesisyon si Idol judge Jennifer Lopez sa kung sino sa dalawa ang nanguna sa nasabing round habang tahasang sinabi naman ni judge Randy Jackson na si Jessica ang panalo sa round 1. (Round 1) “is for Jessica.” ani Jackson.

Gayunman, sumang-ayon na rin si J-Lo na kay Jessica ang round 1.

Hindi naman namili sa dalawa si Tyler.

PERSONAL CHOICE ROUND

PINILI naman ni Jessica sa ikalawang round ang “The Prayer” habang “Movin’ Out” ang kay Phillip.

Sa round na ito hati ang mga judges, para kay J-Lo si Phillip ang nanguna sa round na ito habang si Tyler ang nagsabi na nakopo ni Jessica ang round 2.

“I would say that Jessica still did it again,” wika ni Steven.

Tie naman para kay judge Randy ang nasabing round.

3RD ROUND

Nakaungos naman si Phillip sa round 3 matapos na makakuha ng standing ovation sa inawit niyang original song na “Home.”

“Change Nothing” naman ang original song na kinanta ni Jessica kung saan nagpamalas ng husay sa high notes ang dalagita habag nakaupo sa white piano.

Nagkaisa naman ang mga idol judges na mas bagay kay Jessica ang mga ballad song.

RESULTA

Pormal na binuksan ang botohan pagkatapos ng showdown kanina. Ang botohan ay tatagal ng apat na oras.

Bukas, Huwebes ng umaga (Miyerkules ng gabi sa Amerika) malalaman kung sino ang tatanghaling Idol season 11.

Inaasahan din bukas ang performance ng mga ex-Idol hopefuls, gayundin si Rihanna at isang duet mula kina Jessica at Jennifer Holliday.

KUNG MANANALO SI JESSICA….

Kapag nanalo si Jessica, tutuldukan niya ang paghahari ng mga lalaki sa American Idol. Magugunitang ang last four winners ng American Idol ay sina David Cook (season 7), Kris Allen (season 8), Lee DeWyze (season 9) at Scooty McCrery (season 10). Mas marami rin ang lalaking nagkampeon sa American Idol kabilang ang unang apat na nabanggit at sina Ruben Studdard (season 2) at Taylor Hicks (season 5).

Kung sakali si Jessica rin ang kauna-unahang nanalong nailigtas lamang sa one-time save ng mga Idol judges. Siya rin ang kauna-unahang may lahing Asyano at dugong Pinoy na nanalo sa kompetisyon.

Kelly Clarkson (season 1)
Ruben Studdard (season 2)
Fantasia Barrino (season 3)
Carrie Underwood (season 4)
Taylor Hicks (season 5)
Jordin Sparks (season 6)
David Cook (season 7)
Kris Allen (season 8)
Lee DeWyze (season 9)
Scotty McCreery (season 10)
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply