Maghahanap ng ibang turista — Palasyo

SINABI ngayon ng Palasyo na nakalulungkot kung totoo ang balitang kinansela na ng mga Chinese travel agency ang kanilang tour packages sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kung magkagayon ay magpurpursige ang pamahalaan sa paghahanap ng ibang tourist markets.

Idinagdag pa ni Lacierda na kung tutuusin ay mas maraming Pinoy ang nagtutungo sa China kaysa sa mga Chinese na bumibisita sa bansa.

Gayunman, nilinaw ngayon ng Palasyo na hindi pa sila pormal na naaabisuhan kaugnay sa pagkansela ng mga Chinese travel agency sa tour packages nila sa bansa.

Ani Lacierda, hindi pa nakatatanggap ang Department of Tourism mula sa kanilang Chinese counterparts ng abiso at hindi pa rin nakukumpirma ang naturang ulat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply