Maghanda na sa mga bagyo at baha

MAGDEDEKLARA na ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ng pagbabago ng panahon sa buong Pinas.

Sa madaling sabi, tag-ulan na.

Op kors, maganda sa ibang banda ang tag-ulan. Buhay na buhay ang mga kalabaw, baka, kabayo at kambing na ating nakikita sa paligid.

Dahil sa mga sariwang damo na kanilang mga nginangasab at nginunguya.

Lamang, habang enjoy na enjoy ang mga kalabaw, kinakabahan naman ang mga baka, kabayo at kambing.

Madali kasing sipunin ang mga ito sa siyam-siyam na ulan at tanging ang mga kalabaw lang ang naglulublob sa tubig at putik.

Nabanggit natin ang mga hayop na ito dahil sila ang katu-katulong ni Juan sa pagtawid sa mahirap na buhay sa tag-ulan man o tag-araw.

Sa pag-aararo, pagbibiyahe ng ani at tao, sa gatas, sa pagkain at sa paghahanap ng salapi.

oOo

Pero meron din talagang napakasamang mga pangyayari sa tag-ulan: ang pagdating ng mga bagyo at siyam-siyam na ulan.

Dahil sa mga ito, naririyan ang mga baha, lanslayd, trapik at iba pa.

Taon-taong marami ang namamatay at nagkakasakit na lahi ni Juan dahil sa mga ito. Hindi naman matatapatan ng anomang pagkuwenta ang mga nasisirang ari-arian.

Parehong malalaking sumpa o kamalasan kay Juan sa matagal na panahon ang mga kamatayan, sakit at sirang ari-arian.

Ang mga tanong ngayon nauukol sa ating kahandaan laban sa mga sumpa at kamalasang ito.

Una, ano-ano na ang mga paghahanda ng pamahalaan para sagipin ang mamamayan sa panganib, sa kagutuman, sa sakit at kawalan?

Ikalawa, ano-ano naman ang mga paghahanda ng mamamayan para tulungan ang kanilang mga sarili at ang pamahalaan sa nabanggit na mga gawain?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply