Magkapatid na paslit natusta sa sunog sa Cebu

PATAY ang magkapatid na paslit makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Sitio Sinsin, Barangay Sam-ang, Toledo, Cebu City, kagabi (Mayo 4).

Nabatid na bandang alas-11:00 kagabi nang masunog ang bahay ng mga biktima na nakilalang sina Alexander Borgador, 2 at Harvey Borgador, 5 na hindi na nagawang makalabas dahil ni-lock ng kanilang ina na si Jovelyn Borgador, 23 ang kanilang bahay nang umalis ito.

Ayon pa sa pulisya, sinundan ng ina ng mga biktima ang mister nito at iniwan ang kanyang mga anak.

Hinihinalang ang lamparang nakasindi ang siyang dahilan ng sunog kung saan posible umanong natumba ng mga bata na nagresulta sa pagkalat ng apoy.

Nang umuwi si Jovelyn kasama ang kanyang mister, nagulantang na lamang sila dahil nagkakagulo ang mga kapitbahay patungo sa kanilang bahay.

Ganoon na lamang ang hinagpis ng ginang nang tuluyang maabo ang kanilang bahay at makitang bangkay na ang kanyang dalawang anak.

Kasalukuyang nakaburol ang magkapatid sa kapilya ng naturang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply