Magkaribal sa pag-ibig nagsaksakan, isa sugatan

TINULDUKAN na ng magkaribal sa pag ibig ang kanilang matagal na alitan nang mag-krus ang kanilang landas sa Mall of Asia (MOA) Complex na nagresulta sa malubhang pagkakasugat ng isa makaraang magtamo ng mga saksak kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nasaksihan pa ng marami ang pagtutungali nina Jose Camelo Ocampo, 42 ahente ng Royale Business Club sa Quezon City at Philo Van Reales, Jr. 39 salesman at residente ng Molino, Bacoor, Cavite dakong alas-11:20 ng umaga na nauwi sa pananaksak ng huli sa una.

Kaagad namang isinugod ng mga nagrespondeng security guard ng MOA si Ocampo sa San Juan De Dios Hospital kung saan patuloy siyang ino-obserbahan sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nadakip naman kaagad ng mga guwardiya si Reales.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Simon Respicio, Jr. ng Pasay Police Investigation Division, nag-ugat ang alitan ng dalawa nang makuhang paibigin ni Ocampo si Jennelyn Tomas na dating kasintahan ni Reales.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply