Magsasaka na umuwing lasing pinugutan

SULTAN KUDARAT– Hindi makapaniwala ang pamilya ng isang magsasaka sa sinapit nitong malagim na kamatayan matapos pagsasaksakin at pugutan ng ulo ng mga hindi pa nakikilalang salarin na humarang sa kanya habang pauwi buhat sa pakikipag-inuman.

Kinilala ni Sultan Kudarat Police Provincial Director Sr. Supt. Danilo Peralta ang biktima na si Danilo Armis, 37, ng Barangay Salaman, Lebak.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay lumalabas na pauwi na sana ang biktima sa kanilang tahanan nang abangan at tagain ng mga salarin.

Upang makasigurong hindi na mabubuhay ang biktima ay pinugutan siya ng mga salarin bago nila inabandona.

Sa pahayag ng kapatid na si Neneng de Guzman, nakikipag-inuman ang biktima at nang makaramdam ng kalasingan ay nagpasyang umuwi subalit habang naglalakad itong mag-isa ay tinambangan siya at pinagtataga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at kung sino ang mga nasa likod nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply