Magsasaka nagbanta ng market holiday vs smuggling

NAGBANTA ang mga magsasaka na maglulunsad sila ng market holiday o di magsusuplay ng produktong agrikultural sa mga pamilihan bilang protesta sa malawakang“smuggling”ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Ito ang sinabi ni Rep.Nicanor Briones, ng Agap Partylist, bilang protesta sa kawalang aksyon ng pamahalaan sa talamak na smuggling ng produktong agrikultura na nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka ng gulay at backyard hog raiser.

Sinabi pa ni Briones na dahil sa talamak na smuggling apektado nito ang may 10 milyon magsasaka na umaasa sa produktong agricultural at backyard hog raiser.

Pinagbibitiw din ni Briones si Bureau of Customs Commssioner Ruffy Biazon dahil sa kawalang aksyon nito para mapatigil ang smuggling ng mga produktong baboy, karne, gulay, itlog, sibuyas, bawang, isda sa bansa.

Sa isang press conference, sinabi ni Briones na dati’y ang mga produktong karne at baboy lamang ang ini-smuggle, subalit ngayo’y pati ang mga produktong gulay ay kasama na din sa ini-smuggle.

Idinagdag pa nito na malaking porsyento ng mga magsasaka at backyard hog raiser ang nalulugi na dahil sa talamak na smuggling ng mga karne ng baboy at produktong agricultural.

“2 weeks ang ibinibigay namin kay Commissioner Biazon para mapatigil ang smuggling at kundi ay ikakasa ng mga magsasaka ang market holiday,” ani pa ni Briones.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Ernesto Ordonez ng Alyansa Agrikultura na P20 bilyon ang nawawala sa sector ng agrikultura sa loob ng isang taon dahil sa malawakang smuggling ng mga produktong agrikultura sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply