Magsasaka tigok sa mag-ama

LAUR, Nueva Ecija- Sa trahedya nagtapos ang masayang kuwentuhan ng tatlong magkakalugar nang mapikon ang mag-amang suspek at pagtulungan ang kasamang magsasaka nang ipilit nito ang kanyang opinyon kung gaano kalalim ang ilog na kanilang tinatambayan.

Nasawi ang biktimang si Jimmy Barrientos y Laminero, residente ng Barangay Siclong sa bayan ng Laur matapos umanong pukpukin ng bato ng mag-amang Elias Pabico y Divina, 70, isa ring magsasaka at Eli Pabico, 44, chief barangay tanod sa nasabing lugar. Matapos ang krimen ay nasakote ang nakatatandang Pabico habang patuloy pang pinaghahanap ang kanyang anak.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nabatid na nagkukuwentuhan umano ang tatlo sa gilid ng ilog nang biglang magtalo. Nakatuwaan umano ng mga ito na hulaan kung gaano kalalim ang pinakadulo ng ilog. Nang hindi magkasundo ay nagtalo ang mga ito hanggang sa palihim na dumampot ng bato ang mag-ama at pinagtulungang pukpukin ang nakatalikod na biktima.

Dahil dito ay nawalan ng malay ang biktima kaya iniwan na ito ng mag-ama. Ilang napadaan sa ilog ang nakakita kay Barrientos kaya dinala ito sa District Hospital ng Bongabon, Nueva Ecija nina Barangay Chairman Romeo Desamito ng Barangay Siclong ngunit idineklara na itong patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply