Magsasanib-puwersa ang TV5 at GMA7

MUKHANG sa pagsasanib-puwersa na nga raw mauuwi ang hindi mamatay-matay na isyu patungkol sa planong pagbili ni Manny Pangilinan sa GMA7. Ilang porsiyento raw kasi ng Kapuso network ay mapapasakamay na ni Mr. Pangilinan, at kapag nangyari ito ay hindi nga malayong magkakaroon nang merging ang dalawang television network.

Napakamot naman daw ng ulo ang ilang talent ng Siyete na umalis sa kanila at lumipat sa Kapatid dahil hitsurang hindi rin sila nakawala sa anino ng GMA. ‘Yung mga taong inaayawan nila sa rati nilang home studio na dahilan nang kanilang paglayas ay makakabanggaan din pala nila ng balikat eventually. Balewala lang ang pag-exit nila. Hahaha!

***

Ate Guy naunahan pa ni Cherie Gil

MABUTI pa si Cherie Gil ay naka-schedule agad ang operasyon sa lalamunan dahil sa sakit na kung tawagin ay Reinke’s Edema. Wala itong pinagkaiba sa ailment ni Nora Aunor dahil sa lalamunan din ang tama nito. Ang sintomas nito ay ang pamamalat at hirap magsalita. Bawal dito ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Ewan natin kay Ate Guy kung bakit hanggang ngayon ay wa’ name pa rin ang sakit niya sa lalamunan, Nakailang balik na siya sa doktor, pero hindi pa matukoy ang eksaktong problema. Kailangan pang obserbahan siya.

Eh, si Cherie sa June 4 na mag-a-undergo ng operation at sa Boston ito gagawin kagaya nang ipinangalandakan nung una ng Superstar.

Pumirma kaya ng waiver si Nora para mabulatlat natin ang medical record niya? Ano siya si Chief Justice Renato Corona? Hahaha!

***

Mark Herras at Kris Bernal, magkaayos pa kaya?

NGAYONG linggo, subaybayan kung muling magiging magkaibigan ang mga karakter nina Mark Herras at Kris Bernal sa high-rating afternoon drama ng GMA, ang Hiram Na Puso.

Magtataka pareho sina Prince (Mark) at Dennis (Polo Ravales) sa kakaibang ikinilos ni Lira (Kris) matapos nitong sugurin si Vanessa (Bela Padilla).

Tatanungin ni Dennis si Lira kung nagselos ba ito nang makita  niyang magkasama sina Vanessa  at  Prince. Idi -deny ito ni Lira pero mararamdaman ni Dennis na hindi nagsasabi ng totoo ang kaibigan.

Kokomprontahin naman ni  Prince si Lira at tatanungin kung totoo ang paratang ni Roxanne (Ayen Munji-Laurel) na si Zeny ang dahilan ng pagkamatay ni Angeline. Aaminin kaya ni Lira kay Prince ang katotohanan? Magbabago kaya ang pagtingin ni Prince kay Lira sakaling malaman niyang si Zeny ang dahilan ng pagkamatay ni Angeline?

Samantala, patuloy si Roxanne sa pagsasampa ng kaso laban kay Zeny. Hindi matatanggap ni Lira na posibleng makulong ang kanyang ina kaya agad niyang lalapitan si Dennis para humingi ng tulong.

Makikita ni Prince si Lira na umiiyak at may ibibigay siya kay Lira na makakatulong sa kaniyang problema. Tatanggapin ba ito ni Lira? Ito na ba ang magsisilbing dahilan para maging magkaibigan muli sina Lira at Prince?

Mapapanood ang Hiram na Puso, Lunes hangang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply