Mahabang paglilitis pinaboran ng prosec

PINABORAN ng prosekusyon ang pagsasagawa ng marathon trial sa impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona upang masigurong matatapos ito bago mag-adjourn ang Kongreso sa Hunyo.

Sinabi ni Aurora Rep. at prosecution spokesman Sonny Angara na masyado nang mahaba ang anim na nagdaang buwan na ginugol sa paglilitis.

“Sang-ayon kami na hindi na dapat lumagpas sa June recess ang paglilitis dahil halos six months na by then ang nakain sa oras ng Senado,” pagsang-ayon ni Angara.

Aniya kahit ang panukalang na hanggang alas-7:00 lang ng gabi ang paglilitis mula Lunes hanggang Huwebes ay pabor aniya silang maging hanggang alas-10:00 ng gabi para lamang matapos ang paglilitis sa itinakdang panahon.

Maging ang isa sa mga miyembro ng prosecution panel na si CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna ay nagsabing “Yes para matapos ang impeachmet trial nang mas maaga para malinis at maayos na ang judiciary.”

Pabor man si AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones sa mahabang oras ng paglilitis ay sinabi niyang dapat na mag-marathon session din ang mga mambabatas upang maagapan at matalakay ang mga kinakailangang panukalang batas.

“I am in favor of having marathon session for impeachment trial. But the House of Representatives also hold parallel marathon sessions to pass important bills,” giit ni Palmones.

Ang ika-35 araw ng paglilitis laban kay Corona ay pinasimulan na sa pamamagitan ng panalangin ni Senador Loren Legarda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply