Make it Marikina

IKAW ba’y naghahanap ng lugar na malinis at tahimik para lilipatan o tatayuan ng bahay? Make it Marikina!

Ikaw ba’y nag-iisip ng bagong negosyo at naghahanap ng lugar saan mas ligtas at lalago ang iyong puhunan? Make it Marikina!

Ikaw ba’y naghahanap ng bagong papasyalan na kaaya-aya sa murang halaga? Make it Marikina!

Ang Make it Marikina! ay  place marketing campaign ni Mayor Del R. de Guzman para makahikayat ng mga bagong residente, karagdagang negosyo, at mas maraming turista sa Marikina. Dapat magtagumpay ang kampanyang ito dahil malaki ang maaambag nito sa kaban ng bayan. Bakit kamo?

Ito ay paraan para dumami ang magbabayad ng buwis at mangangailangan ng goods and services sa isang lugar. Expanding  the tax base and the market base, ika nga. Kung mas marami ang nagbabayad ng sapat na buwis, mas maraming pondo ang pamahalaan para sa mga proyekto nito.

Pag mas maraming may capacity to pay o disposable income, lalago ang negosyo at mas malaki ang buwis na kanilang babayaran.

Kung iyong iisipin,  paano mo ba talaga malalaman kung epektibo ang ginagawa mo or tama ang ginagawa ng mayor mo sa pamamalakad ng isang siyudad?

Para sa akin, ang batayan ng good governance ay kung makumbinse mo ang ibang tao (outsiders) na tumira sa lugar mo … na magnegosyo sa inyo … at magliwaliw at gumastos sa mga pasyalan ninyo. Ibang klase pag-iba ang pumupuri sa iyo o nagpapatotoo tungkol sa mga positibong  bagay ng bayan mo.

Tama po ba?

Maraming pwede mag-claim na tama ang kanilang pamamalakad – pero kung ayaw tumira, mamuhunan, o mamasyal ang mga tao sa inyo …  walang ibig sabihin ang lahat ng pagbubuhat natin ng sariling bangko.

Actually, ang kampanyang ito ay isang hamon sa bawat empleyado at opisyal ng pamahalaang lokal ng Marikina na ipagpatuloy ang pagiging modelo ng good governance. Ang Make it Marikina! ay inilunsad ni Mayor De Guzman nung 2011 para masuportahan at mapalakas ang “Tunay na Kaunlaran, Tao Naman” governance philosophy ng kanilang tambalan nina Vice Mayor Fabian Cadiz at Congressman Miro Quimbo.

May lumabas sa diyaryo kailan lamang na may similar campaign ang Makati na ilulunsad nila sa 2013 … ang “Make it Makati!” Maganda na may gumagaya, kasi validation ito na tama ang ginagawa namin sa Marikina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply