Malakanyang ‘no comment’ muna sa FCDA

HIHINTAYIN muna ng Malakanyang ang magiging resulta ng botohan o desisyon ng mga senator-judges bukas, Mayo 29 sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona bago pa magbigay ng pahayag kaugnay sa panukalang amyendahan ang Foreign Currency Deposits Act na naging kontrobersyal sa paglilitis.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakasalalay sa magiging posisyon ng mga senator-judges ang kanilang magiging sagot matapos isangkalan ni Corona ang FCDA upang hindi niya ideklara ang kanyang mga dollar accounts bagay na kinukuwestiyon ng prosekusyon.

May ilang mga mambabatas ang nagsasabing may conflict ang Saligang Batas at FCDA habang maraming abugado naman ang naniniwala sa ibang opinion.

Ayon sa Malakanyang, dapat umanong mangibabaw ang Konstitusyon tulad ng itinuturo sa mga nag-aaral ng abugasya.

“Hintayin po muna natin siguro ‘yung magiging resulta and depende na rin po ‘yon doon sa ating mga lawmakers because it seems that there is a conflict. There is a greater number of lawyers who are also in opinion na talagang wala hong conflict of laws. It was asked kung ano ho ‘yung mas magpre-prevail: ang Constitution po ba o ‘yung isang batas? Sa mga first year law students po malinaw ho ang sagot diyan dahil napakalinaw po nung principle of hierarchy of laws po natin. The Constitution is above all,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply