Malakanyang solido ang suporta kay Jessica

NANANATILING solido ang suporta ng Malakanyang kay Filipino-Mexican-American Jessica Sanchez matapos itong makipag-face off sa American Idol final showdown laban sa heartthrob mula Georgia na si Phillip Phillips.

“We are fully supportive of Jessica Sanchez, and we wish her the best of luck” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Una na ring sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na gusto niyang manalo sa kompetisyon si Sanchez.

Sa ulat, close fight sina Sanchez at Phillips sa final performance kahapon ng  umaga sa Nokia Theater sa Los Angeles, California.

Tig-tatlong awitin ang kinanta ng bawat isa sa isang oras na performance.

Sa first round, ang mga awiting pinili ng Idol producer na si Simon Fuller ang inawit nina Sanchez at Phillips.

Ayon kay AI judge Randy Jackson, si Sanchez ang nanalo sa unang round sa rendition nito ng “I Have Nothing” ni Whitney Houston.

Inawit naman ni Phillips ang “Stand By Me.”

Sa second round, muling binalikan nina Sanchez at Phillips ang pinakapaborito nilang performance sa buong season.

Sinabi ng American Idol judge na si Steven Tyler na si Sanchez ang nag-standout sa nasabing round nang kanyang inawit ang “The Prayer” na isa sa naging audition song ng 16-anyos na high school student.

Ang rendition ni Phillips ng “Movin Out” ni Billy Joel ang siya namang panalo sa second round para kay Jennifer Lopez.

Ngunit ayon kay Randy Jackson, tie ang dalawang finalists para sa kani-kanilang second performance.

Subalit pagdating sa third round kung saan inawit ng dalawa ang original song na magiging single nila kapag sila’y nanalo, nakaungos si Phillips laban kay Jessica.

Umani ng standing ovation mula sa tatlong AI judges at audience ang rendition ni Phillips ng “Home” habang hindi naman nagustuhan ng mga hurado ang “Change Nothing” para sa Fil-Am singer.

Nagkakaisa ang tatlong judges sa pagsasabing maganda ang performance ni Jessica subalit hindi nababagay dito ang naturang type ng awitin.

“I did not love the song but what I did love is you made something more out of that song. You have that Beyonce kind of swag. You brought the song to life but I thought the song was just OK,” komento ni Jackson.

Narito ang mga inawit nina Sanchez at Phillips sa kanilang finals showdown:

Jessica Sanchez

– “I Have Nothing” – Whitney Houston
– “The Prayer” – Andrea Becelli
– “Change Nothing” – original song

Phillip Phillips
– “Stand By Me” – Ben King
– “Movin Out” – Billy Joel
– “Home” – original song

Bukas iaanunsyo ang magiging susunod na American Idol sa dalawang oras na finale show kung saan tampok ang star-studded performances.

Una nang sinabi ni Jessica bago ang kanilang final showdown ni Phillips na kung ano man ang mangyari bukas ay handa siya at ang makapasok sa American Idol finale ay masaya na siya.

Sa ngayon ay tiyak nang may recording contract ang dalawang finalists, sino man sa mga ito ang hihiranging American Idol. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply